Ang Pinakakinakatakutan

Ang katotohanan, sa panahong ito, ay isang malaking pinagkukunan ng yaman. Madalas, ito’y pinaiikot-ikot, tinitignan sa iba’t ibang anggulo na sa kadalasan, na sa paikot-ikot ng katotohanan nakakalimutan na hindi ito kathang John Singer Sargent, kundi Pablo Picasso.

Ang katotohanan ay hindi iniintindi ng mga utak nating may kinikilingang bersyon, ngunit ipinapakita ng buong-buo.

Ang henerasyon ko ay umiikot sa hugot. Ang mga telenobela sa telebisyon at mga nobela sa mga aklatan ay umiikot sa mga maromantikong kwento ng hindi naman mangyayari sa totoong buhay. Lahat ay naghahanap ng kawalan at walang naghahanap ng katotohanan, dahil masyado silang takot.

Takot silang maisabuhay na ang ginagawa nilang kalokohan ay masama: pandaraya, pangungutya, pang-aabuso. Takot silang harapin ito tulad ng mga matatandang takot harapin ang katotohanan na hindi lahat ng anak nila ay anghel. Na hindi porket pinapapasok nila sa Katolikong institusyon ang anak nila, lahat na tayo’y biyaheng langit na ang daan.

Pwede ba?

Sa mga romantikong libro, ako’y tuliro sa mga taong gumagawa ng mga¬†pamahalaang¬†dystopia na humaharang sa pag-ibig dahil nangyayari ito sa totoong buhay mismo. Na ang mga babae ay hindi pwedeng ibigin ang mga babaeng iniibig nila, na ang mga lalaki’y kahit magsihawak-kamay man lang ay hindi pe-pwede.

Pesteng kabataan. Pesteng pamahalaan. Pesteng katotohanan.

Takot kayo sa katotohanan. Sa katotohanan ng mga batang tinutukso sa pagiging iba sa pag-iisip, sa pananalita, pananamit, sa pag-ibig. Takot kayo sa katotohanan. Na mayroong ganitong mga taong nakatira sa mundong ibabaw, na mas tanggap niyo pang mambabae ang mga lalaki sa relasyon kaysa magkaroon ng sitwasyon na walang lalaki sa buong problema.

 

Advertisements